Magandang Balita Biblia Revisi

Job 10:5-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

5. Ang iyo bang buhay ay maikling tulad ng sa amin?

6. Kung gayo'y bakit mo ako hinahanapanng pagkakasala at kamalian?

7. Alam mo namang wala akong kasalanan,at walang makakapagligtas sa akin mula sa iyong mga kamay.

8. “Ang mga kamay mo ang sa aki'y lumikha,ngayo'y kamay mo rin ang sa aki'y sumisira.

9. Di ba't mula sa lupa ay ginawa mo ako,ngayon ba'y pupulbusin at ibabalik dito?

10. Niloob mong ako'y manggaling sa aking ama,inaruga, pinalaki sa tiyan ng aking ina.

11. Nilagyan mo ng buto at litid ang aking katawan,saka binalutan ng balat at kalamnan.

12. Ako'y binigyan mo ng buhay at wagas na pagmamahal,at ang pagkalinga mo ang sa aki'y bumuhay.

13. Ngunit ngayo'y alam ko na, ang iyong balak,matagal nang panahong gusto akong ipahamak.