Magandang Balita Biblia Revisi

Job 10:18-22 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

18. “Bakit mo hinayaang ako ay isilang pa?Namatay na sana ako bago pa mayroong sa aki'y nakakita.

19. Bago ako isinilang ako sana'y namatay na,sa libingan sana nagtuloy mula sa tiyan ng aking ina.

20. Maikli na ang aking buhay kaya't ako'y tigilan mo naupang sa aking natitirang araw makadama ng kaunting ginhawa.

21. Ako'y malapit nang pumanaw, at hindi na magbabalik;ang pupuntahan ko'y madilim at mapanglaw na daigdig.

22. Isang lupain ng anino at kaguluhan,na ang pinakailaw ay ang kadiliman.”