Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 63:5-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

5. Ako'y naghanap ng makakatulongngunit walang nakita kahit isa;ako'y pinalakas ng aking galit,at mag-isa kong nakamit ang pagtatagumpay.

6. Sa tindi ng aking galit ay dinurog ko ang mga bansa,aking ibinuhos ang kanilang mga dugo sa lupa.”

7. Aking sasaysayin ang pag-ibig ni Yahweh na hindi nagmamaliw;pupurihin ko siya sa lahat ng bagay na kanyang ginawa para sa atin.Tunay na kanyang pinagpala ang bayang Israel,dahil sa kahabagan niya at wagas na pag-ibig.

8. Sinabi ni Yahweh, “Sila ang bayan ko na aking hinirang,kaya hindi nila ako pagtataksilan.”Iniligtas niya sila

9. sa kapahamakan at kahirapan.Hindi isang anghel,kung hindi si Yahweh mismo ang nagligtas sa kanila;iniligtas sila dahil sa pag-ibig niya't habag,na sa simula pa ay kanya nang ipinakita.

10. Ngunit sa kabila nito, sila'y naghimagsikat pinighati nila ang kanyang banal na Espiritu;dahil doon naging kaaway nila si Yahweh.