Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 63:15-19 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

15. Magmula sa langit tunghayan mo kami Yahweh,at iyong pagmasdan mula sa iyong dakila at banal na trono.Saan ba naroon ang malasakit mo at kapangyarihan?Pag-ibig mo at kahabagan,huwag kaming pagkaitan.

16. Kung walang nagawa sa amin si Jacob at Abraham,ikaw lamang, Yahweh, ang aming pag-asa at Amang aasahan;tanging ikaw lamang ang nagliligtas ng aming buhay.

17. Bakit ba, O Yahweh, kami'y tinulutang maligaw ng landas,at ang puso nami'y iyong hinayaang maging matigas?Balikan mo kami at iyong kaawaan,mga lingkod mo na tanging iyo lamang.

18. Kami, na iyong banal na bayan ay sandaling itinaboy ng mga kaaway;winasak nila ang iyong santuwaryo.

19. Ang turing mo sa amin ay parang hindi mo pinamahalaan;ang nakakatulad ay mga nilalang na di nakaranas na iyong pagharian.