Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 63:12-15 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

12. Sa pangalan ni Yahweh, hinawi ni Moises ang tubig ng dagat,kaya ang Israel doon ay naligtas.At siya ay natanyag sa lahat para sa kanyang sarili.”

13. Natawid nila ang karagatan sa tulong ni Yahweh,parang kabayong matatag na hindi nabuwal.

14. Kung paanong ang kawan ay dinadala sa sariwang pastulan,ang Espiritu ni Yahweh ang nagbigay ng kapahingahan sa kanyang bayan,at sila'y ginabayan upang siya ay maparangalan.

15. Magmula sa langit tunghayan mo kami Yahweh,at iyong pagmasdan mula sa iyong dakila at banal na trono.Saan ba naroon ang malasakit mo at kapangyarihan?Pag-ibig mo at kahabagan,huwag kaming pagkaitan.