Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 63:1-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. “Sino itong dumarating na buhat sa Edom,buhat sa Bozra na ang maringal na kasuotan ay kulay pula?Sino ang magiting na lalaking itona kung lumakad ay puno ng kasiglahan?Ako ang nagbabadya ng tagumpay;ang kalakasan ko'y sapat na upang kayo ay iligtas.”

2. “Bakit pula ang iyong suot?Tulad ng damit ng nagpipisa ng ubas upang gawing alak?”

3. Ang sagot ni Yahweh: “Pinisa ko ang mga bansa na parang ubas,wala man lang tumulong sa akin;tinapakan ko sila sa tindi ng aking galit,kaya natigmak sa dugo ang aking damit.

4. Nagtakda na ako ng araw upang maghiganti,sapagkat dumating na ang panahon ng aking pagliligtas.

5. Ako'y naghanap ng makakatulongngunit walang nakita kahit isa;ako'y pinalakas ng aking galit,at mag-isa kong nakamit ang pagtatagumpay.

6. Sa tindi ng aking galit ay dinurog ko ang mga bansa,aking ibinuhos ang kanilang mga dugo sa lupa.”

7. Aking sasaysayin ang pag-ibig ni Yahweh na hindi nagmamaliw;pupurihin ko siya sa lahat ng bagay na kanyang ginawa para sa atin.Tunay na kanyang pinagpala ang bayang Israel,dahil sa kahabagan niya at wagas na pag-ibig.

8. Sinabi ni Yahweh, “Sila ang bayan ko na aking hinirang,kaya hindi nila ako pagtataksilan.”Iniligtas niya sila

9. sa kapahamakan at kahirapan.Hindi isang anghel,kung hindi si Yahweh mismo ang nagligtas sa kanila;iniligtas sila dahil sa pag-ibig niya't habag,na sa simula pa ay kanya nang ipinakita.