Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 61:8-11 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

8. Ang sabi ni Yahweh:“Ako'y namumuhi sa kasalanan at pang-aalipin; ang nais ko'y katarungan.Gagantimpalaan ko ang mga taong tapat sa akin,walang hanggang tipan ang aking gagawin para sa kanila.

9. Ang lahi nila ay makikilala sa lahat ng bansa,ang mga anak nila'y sisikat sa gitna ng madla;sinumang makakita sa kanila ay makikilalangsila ang aking bayang pinagpala.”

10. Buong puso akong nagagalak kay Yahweh.Dahil sa Diyos ako'y magpupuri sapagkat sinuotan niya ako ng damit ng kaligtasan, at balabal ng katuwiran,gaya ng lalaking ikakasal na ang palamuti sa ulo'y magagandang bulaklak,gaya ng babaing ikakasal na nakasuot ng mga alahas.

11. Kung paanong sa lupa'y sumisibol ang halaman, at sa hardin ay lumilitaw ang binhing itinanim,ipapakita ng Panginoong Yahweh, ang kanyang katuwiranat papuri sa harap ng lahat ng bansa.