Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 60:18-21 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

18. Ang ingay ng ‘Karahasan’ ay hindi na maririnig pa,gayundin ang ‘Pagwasak’ sa iyong nasasakupan;ang iyong mga pader ay tatawagin mong ‘Kaligtasan,’at ‘Papuri’ naman ang iyong mga pintuan.

19. “Sa buong maghapon ay wala nang araw na sisikat,sa buong magdamag ay wala nang buwan na tatanglaw,sapagkat si Yahweh mismo ang magiging ilaw mo magpakailanman,at ang iyong Diyos ang liwanag mong walang katapusan.

20. Kailanma'y hindi na lulubog ang iyong araw,at ang iyong buwan ay hindi na rin maglalaho;si Yahweh ang iyong magiging walang hanggang ilaw,at ang mga araw ng iyong kapighatian ay mawawala.

21. Ang mamamayan mo'y magkakaroon ng matuwid na pamumuhay,kaya ang lupain ay aariin nila magpakailanman.Sila'y nilikha ko at itinanim,upang ihayag nila ang aking kadakilaan.