Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 6:6-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

6. Pagkatapos, may isang seraping sumipit ng baga mula sa altar, at lumipad patungo sa akin.

7. Idinampi niya ang baga sa aking mga labi, at sinabi: “Ngayong naidampi na ito sa iyong mga labi, pinatawad ka na at nilinis na ang iyong mga kasalanan.”

8. At narinig ko ang tinig ni Yahweh na nagsasabi, “Sino ang aking ipadadala? Sino ang magpapahayag para sa atin?” Sumagot ako, “Narito po ako; ako ang inyong isugo!”

9. At sinabi niya, “Humayo ka at sabihin mo sa mga tao:‘Makinig man kayo nang makinig ay hindi kayo makakaunawa;tumingin man kayo nang tumingin ay hindi kayo makakakita.’

10. Papurulin mo ang kanilang kaisipan,kanilang pandinig iyo ring takpan,bulagin mo sila upang hindi makakita,upang sila'y hindi makarinig, hindi makakita, at hindi makaunawa.Kundi'y baka magbalik-loob sila at sila'y pagalingin ko pa.”

11. Itinanong ko: “Hanggang kailan po, Panginoon?” Ganito ang sagot niya:“Hanggang ang mga lunsod ay mawasak at mawalan ng tao,hanggang sa wala nang nakatira sa mga tahanan,at ang lupain ay matiwangwang;

12. hanggang sa ang mga tao'y itapon ni Yahweh sa malayong lugar,at ang malawak na lupain ay wala nang pakinabang.

13. Matira man ang ikasampung bahagi ng mga tao,sila rin ay mapupuksa,parang pinutol na puno ng ensina,na tuod lamang ang natira.Ang tuod na iyan ay tanda ng isang bagong simula para sa bayan ng Diyos.”