Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 59:11-20 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

11. Umuungal tayong lahat na gaya ng mga oso;dumaraing tayo at nagdadalamhati tulad ng mga kalapati.Ang hinihintay nating katarungan ay hindi dumarating.Nais nating maligtas sa kaapihan at kahirapan ngunit ang kaligtasan ay malayo.

12. Yahweh, maraming beses kaming naghimagsik laban sa iyo;inuusig kami ng aming mga kasalanan.Alam naming kami'y naging makasalanan.Nalalaman namin ang aming mga pagkakasala.

13. Naghimagsik kami sa iyo, O Yahweh, at itinakwil ka naminat hindi na sumunod sa iyo.Ang sinasabi namin ay pawang pang-aapi at pagtataksil;ang inuusal ng aming mga bibig ay mga kasinungalingan, na katha ng aming mga isip.

14. Itinakwil namin ang katarunganat lumayo kami sa katuwiran.Ang katotohanan ay nahandusay sa mga liwasang-bayan,at hindi makapanaig ang katapatan.

15. Hindi matagpuan ang katotohanan,kaya nanganganib ang buhay ng mga tao, na ayaw gumawa ng kasamaan.Nang makita ni Yahweh na wala nang katarungan,siya ay nalungkot.

16. Nakita niya na wala kahit isang magmalasakit sa mga api.Dahil dito'y gagamitin niya ang kanyang kapangyarihanupang sila'y iligtas, at siya'y magtatagumpay.

17. Ang suot niya sa dibdib ay baluti ng katuwiran,at sa kanyang ulo naman ang helmet ng kaligtasan.Paghihiganti ang kanyang kasuotan,at poot naman ang kanyang balabal.

18. Paparusahan niya ang mga kaaway ayon sa kanilang ginawa,kahit ang nasa malalayong lugar ay kanyang gagantihan.

19. Kaya katatakutan siya ng mga taga-kanluran,at dadakilain sa dakong silangan;darating si Yahweh, tulad ng malakas na agos ng tubig,gaya ng ihip ng malakas na hangin.

20. Sinabi ni Yahweh sa kanyang bayan,“Pupunta ako sa Zion upang tubusinang mga taong mula sa lahi ni Jacob na magsisisi sa kanilang kasalanan.