Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 58:7-11 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

7. Ang mga nagugutom ay inyong pakainin,ang mga walang tirahan ay inyong patuluyin.Ang mga walang maisuot ay inyong bigyan ng mga damit.At sa mga nangangailangang mga kamag-anak ay huwag kayong magkakait.

8. Kung magkagayon, sisikat ang liwanag sa inyo, at matutulad kayo sa bukang-liwayway,hindi magtatagal at manunumbalik ang inyong kalusugan.Mahahayag sa inyong unahan ang mabubuti ninyong gawa,at sa inyong hulihan ay papatnubayan kayo ng kaluwalhatian ni Yahweh.

9. Sa araw na iyon, diringgin ni Yahweh ang inyong dalangin;kapag kayo'y humingi ng tulong, sasabihin niya, ‘Naririto ako.’“Kapag itinakwil ninyo ang pang-aapi,maling pagbibintang at pagsisinungaling;

10. kapag ang nagugutom ay kusang-loob ninyong pakakainin,at tutulungan ang mahihirap,sisikat ang liwanag sa inyong nasa kadiliman,at ang inyong kapanglawan ay magliliwanag gaya ng sa katanghaliang-tapat.

11. Patuloy kayong papatnubayan ni Yahwehat ibibigay ang pangangailangan sa gitna ng disyerto.Palalakasin niyang muli ang inyong mga buto.At magiging tulad kayo ng isang hardin,na binubukalan ng masaganang tubig,o isang batis na hindi natutuyo.