Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 58:10-14 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

10. kapag ang nagugutom ay kusang-loob ninyong pakakainin,at tutulungan ang mahihirap,sisikat ang liwanag sa inyong nasa kadiliman,at ang inyong kapanglawan ay magliliwanag gaya ng sa katanghaliang-tapat.

11. Patuloy kayong papatnubayan ni Yahwehat ibibigay ang pangangailangan sa gitna ng disyerto.Palalakasin niyang muli ang inyong mga buto.At magiging tulad kayo ng isang hardin,na binubukalan ng masaganang tubig,o isang batis na hindi natutuyo.

12. Muli ninyong itatayo ang kutang gumuho,at itatatag ito sa dating pundasyon.Makikilala kayo bilang tagapagtayo ng mga nawasak na pader,mga tagapagtatag ng bagong pamayanan.”

13. Sinabi pa ni Yahweh, “Inyong igagalang ang takdang Araw ng Pamamahinga,huwag kayong gagawa para sa pansariling kapakanan sa araw na banal.Sa araw na ito'y mamamahinga kayo at huwag maglalakbay,o gagawa o mag-uusap ng tungkol sa mga bagay na walang kabuluhan.

14. At kung magkagayon, madarama ninyo ang kagalakan ng paglilingkod sa akin.Bibigyan ko kayo ng karangalan sa harap ng buong daigdig;at tatamasahin ninyo ang kaligayahan habang naninirahan sa lupaing ibinigay ko sa ninuno ninyong si Jacob.Mangyayari ito sapagkat akong si Yahweh ang nagsabi nito.”