Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 58:1-7 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Sinabi ni Yahweh, “Sumigaw ka nang malakas na malakas;itaas mo ang iyong tinig gaya ng trumpeta.Ang kasalanan ng bayan ko sa kanila'y ihayag.

2. Sinasangguni nila ako sa araw-araw,tinatanong nila ako kung paano sila mamumuhay.Kung kumilos sila ay parang matuwid,at hindi sumusuway sa mga tuntuning ibinigay ng kanilang Diyos.Humihingi sila sa akin ng matuwid na pasya;nais nila'y maging malapit sa Diyos.”

3. Tanong ng mga tao, “Bakit hindi mo pansin ang pag-aayuno namin?Bakit walang halaga sa iyo kung kami ma'y magpakumbabá?”Sagot ni Yahweh, “Pansariling kapakanan pa rin ang pangunahing layunin ninyo sa pag-aayuno,at habang nag-aayuno'y patuloy ninyong inaapi ang mga manggagawa.

4. Ang pag-aayuno ninyo'y humahantong lamang sa karahasan,kayo'y nagkakagalit at naglalaban-laban.Hindi tunay ang pag-aayunong ginagawa ninyo ngayon,kaya tiyak na hindi ko papakinggan, ang inyong mga dalangin sa akin.

5. Ganyan ba ang pag-aayunong aking kaluluguran?Iyan ba ang araw na talagang nagpapakumbabá ang mga tao?Hinihiling ko ba na yumuko kayong tulad ng damong hinihipan ng hangin,o mahiga kayo sa sako at abo?Pag-aayuno na ba ang tawag ninyo diyan,isang araw na nakalulugod kay Yahweh?

6. “Ganitong pag-aayuno ang gusto kong gawin ninyo:Palayain ninyo ang mga di-makatarungang ipinabilanggo;kalagin ninyo ang tanikala ng inyong mga inalipin.Palayain ninyo ang mga inaapi,at baliin ang mga pamatok ng mga alipin.

7. Ang mga nagugutom ay inyong pakainin,ang mga walang tirahan ay inyong patuluyin.Ang mga walang maisuot ay inyong bigyan ng mga damit.At sa mga nangangailangang mga kamag-anak ay huwag kayong magkakait.