Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 57:17-21 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

17. Nagalit ako sa kanila dahil sa kanilang kasalana't kasakiman,kaya sila'y aking itinakwil.Ngunit matigas ang kanilang ulo at patuloy na sumuway sa akin.

18. Sa kabila ng ginawa nila, sila'y aking pagagalingin at tutulungan,at ang nagluluksa'y aking aaliwin.

19. Bibigyan ko ng kapayapaan ang lahat, maging nasa malayo o nasa malapit man.Aking pagagalingin ang aking bayan.

20. Ngunit ang masasama ay tulad ng dagat na laging maalon,walang pahinga sa buong panahon;mga burak at putik buhat sa ilalim ang iniaahon.

21. Walang kapayapaan ang mga makasalanan.” Sabi ng aking Diyos.