Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 57:1-11 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ang taong matuwid kapag namamatay,walang nakakaunawa at walang nakikialam;ngunit siya'y kinukuha upang iligtas sa kapahamakan.

2. Mapayapa ang buhay,ng taong lumalakad sa katuwirankahit siya'y mamatay.

3. Halikayo, mga makasalanan upang hatulan.Wala kayong pagkakaiba sa mga mangkukulam,nangangalunya at babaing masasama.

4. Sino ba ang inyong pinagtatawanan?Sino ba ang inyong hinahamak?Mga anak kayo ng sinungaling.

5. Sinasamba ninyo ang mga diyus-diyosan sa pamamagitan ng pakikipagtalikhabang nasa ilalim ng mga punong ensina na ipinalalagay ninyong sagrado.Sinusunog ninyo bilang handog ang inyong mga anak,sa mga altar sa may libis, sa loob ng mga yungib.

6. Makinis na bato'y sinasamba ninyo na tulad ng diyos,kayo'y kumukuha ng pagkain at alak upang ihandog;sa gawa bang ito, ako'y malulugod?

7. Sa tuktok ng bundok,kayo'y umaahon upang maghandog,at makipagtalik.

8. Pagpasok ng pinto,nagtayo kayo roon ng diyus-diyosan,ako'y nilimot ninyo at inyong nilayasan.Lubos kayong nag-alis ng suot ninyong damit;sa inyong higaa'y nakipagtalik sa mga lalaking inyong inupahan.Kayo ay natulog na kasama nila para pagbigyan ang inyong pagnanasa.

9. Kayo ay nagtungo sa hari na may dalang langis ng olibo,at dinagdagan ninyo ang inyong pabango;kayo ay nagsugo sa malayong lugarat kayo mismo ang lumusong sa daigdig ng mga patay.

10. Lubha kayong nagpagod sa maraming lakbayin,at kailan ma'y hindi sinabi na wala na itong pag-asa.Kayo ay nagpanibagong-lakas,at dahil dito ay hindi nanghina.

11. Ang tanong ni Yahweh, “Sino ba ang inyong kinatatakutankaya nagsinungaling kayo sa akinat lubusang tumalikod?Matagal ba akong nanahimikkaya kayo tumigil ng pagpaparangal sa akin?