Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 54:1-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. “Umawit ka Jerusalem, ang babaing hindi magkaanak!Sumigaw ka sa galak, ikaw na hindi pa nakakaranas manganak.Magiging mas marami ang iyong mga anakkaysa sa kanya na may asawa, sabi ni Yahweh.”

2. Gumawa ka ng mas malaking tolda,palaparin mo ang kurtina niyon.Huwag mong lagyan ng hangganan ang dakong iyon,pahabain mo ang mga tali.Ibaon mo ng malalim ang mga pantulos.

3. Sapagkat kakalat kayo sa buong daigdig,aangkinin ng inyong lahi ang ibang mga bansa;at pananahanan nila ang mga lunsod doon, na iniwanan.

4. Huwag kang matakot o panghinaan man ng loob,sapagkat hindi ka na mapapahiya.Malilimot mo na ang kahihiyang dinanas mo noong iyong kabataan;hindi mo na maaalala ang matinding kalungkutan ng pagiging isang biyuda.

5. Sapagkat ang Lumalang sa iyo ay ang asawa mo,ang pangalan niya'y Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.Ang tagapagligtas mo ay ang Banal na Diyos ng Israel,kung tawagin siya'y Diyos ng buong sanlibutan.

6. Israel, ang katulad mo'y asawang iniwan at ngayo'y nagdurusa,isang babaing maagang nag-asawa at pagkatapos ay itinakwil.Ngunit pinababalik ka ngayon ni Yahweh at sa iyo'y sinasabi,