Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 5:18-23 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

18. Kawawa kayo, mga makasalanan na walang ginawa kundi humabi ng kasinungalingan;hindi kayo makakawala sa inyong kasamaan.

19. Sinasabi ninyo: “Pagmadaliin natin ang Diyosupang ating makita ang kanyang pagkilos;maganap na sana ang plano ng Banal na Diyos ng Israel,nang ito'y malaman natin.”

20. Kawawa kayo, mga baligtad ang isip!Ang mabuting gawa ay minamasama,at minamabuti naman iyong masama,ang kaliwanaga'y ginagawang kadilimanat ang kadilima'y itinuturing na kaliwanagan.Sa lasang mapait ang sabi'y matamis,sa lasang matamis ang sabi'y mapait.

21. Kawawa rin kayo, mga nag-aakalang kayo'y marurunong,at matatalino sa inyong sariling palagay!

22. Mga bida sa inuman, kawawa kayo!Mahuhusay lang kayo sa pagtitimpla ng alak;

23. dahil sa suhol, pinapalaya ang may kasalanan,at sa taong matuwid ipinagkakait ang katarungan.