Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 47:12-15 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

12. “Itago mo na lang ang salamangkang alam mo mula pa sa iyong kabataan,baka sakaling magamit mo pa iyan bilang panakot sa iyong kaaway.

13. Wala kang magagawa sa kabila ng maraming payo sa iyo;patulong ka man sa inaasahan mong mga astrologo,sa mga taong humuhula ng mangyayari bukas, batay sa kalagayan ng kalangitan at mga bituin.

14. “Sila'y parang dayaming masusunog,kahit ang sarili nila'y hindi maililigtas sa init ng apoy;sapagkat ito'y hindi karaniwang initna pampaalis ng ginaw.

15. Walang maitutulong sa iyo ang mga astrologona hinihingan mo ng payo sa buong buhay mo.Sapagkat ikaw ay iiwan na nila,walang matitira upang iligtas ka.”