Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 47:1-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Sinabi ni Yahweh sa Babilonia,“Bumabâ ka sa iyong trono, at maupo ka sa alabok ng lupa.Dati'y para kang birhen, isang lunsod na hindi malupig.Ngunit hindi ka na ganoon ngayon,isa ka nang alipin!

2. Hawakan mo ang batong gilingan at ikaw ay gumiling ng harina.Alisin mo na ang iyong belo, at hubarin ang magarang kasuotan;itaas mo ang iyong saya sa pagtawid sa batisan.

3. Malalantad sa mga tao ang hubad mong katawan,mabubunyag ang kahiya-hiya mong kalagayan.Walang makakapigil sa aking gagawin.Ako'y maghihiganti.”

4. Ang Diyos ang siyang nagligtas sa amin, siya ang Banal na Diyos ng Israel.Ang pangalan niya ay Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat.

5. Sinabi ni Yahweh sa Babilonia,“Maupo ka na lang at manahimik doon sa dilim,sapagkat ikaw ay hindi na tatawaging reyna ng mga kaharian.