Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 45:9-12 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. Ang palayok ba ay makakatutol sa gumawa sa kanya?Maitatanong ba ng putik sa magpapalayok kung ano ang ginagawa nito?Masasabi ba ng palayok na hindi sanay ang gumawa sa kanya?

10. May anak bang magtatanong sa kanyang ama, “Bakit ikaw ang aking naging ama?”At sa kanyang ina, “Bakit mo ako ipinanganak?”

11. Ngunit ipinahayag ni Yahweh, ang Banal na Diyos ng Israel, ang Lumalang sa kanila:“Wala kayong karapatang magsabi sa akin tungkol sa aking mga anakat kung ano ang dapat kong gawin.

12. Ako ang lumikha ng buong daigdig,pati mga taong doo'y tumatahan.Maging ang kalangitan, ako ang nagladlad,ako ang may kapangyarihan sa araw, buwan at mga bituin.