Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 45:14-23 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

14. Ang sabi ni Yahweh sa Israel,“Mapapasaiyo ang kayamanan ng Egipto at Etiopia.Magiging alipin mo ang matatangkad na lalaki ng Seba;sila'y magiging sunud-sunuran sa iyo.Yuyukuran ka nila at sasabihin:‘Sumasaiyo ang Diyos, siya lamang ang Diyos at wala nang iba pa.’”

15. Ang Diyos ng Israel ang Tagapagligtas ng kanyang bayan;mahiwaga siya kaya hindi kayang unawain.

16. Hahamakin at mapapahiyaang lahat ng gumagawa ng mga diyus-diyosan.

17. Ngunit ang Israel ay iyong ililigtas,ang tagumpay nila ay sa habang panahonat kailanma'y hindi mapapahiya.

18. Si Yahweh ang lumikha ng kalangitan,siya rin ang lumikha ng daigdig,ginawa niya itong matatag at nananatili,at mainam na tirahan.Siya ang maysabing, “Ako si Yahweh at wala nang iba pang diyos.

19. Lahat ng salita ko'y sinasabi nang hayagan,isa man sa layunin ko'y hindi inililihim.Hindi ko pinahirapan ang Israelsa paghanap sa akin.Ako si Yahweh, sinasabi kong lahat ang katotohanan,at inihahayag ko kung ano ang tama.”

20. Sinabi ni Yahweh,“Halikayong lahat na mga natitirang buháy mula sa lahat ng bansa;kayong mga mangmang na nagpapasan ng mga imaheng kahoyat dumadalangin sa mga diyus-diyosan na hindi makakapagligtas.Ang mga taong ito'y walang nalalaman.

21. Ipagtanggol ninyo ang inyong panig.Magsanggunian kayo.Sino ang makakapagsabi ng mga bagay na magaganap?Hindi ba akong si Yahweh, ang Diyos na nagliligtas sa kanyang bayan?Walang ibang diyos maliban sa akin.

22. Lumapit kayo sa akin at kayo ay maliligtas,kayong mga tao sa buong daigdig.Walang ibang diyos maliban sa akin.

23. Ako ay tapat sa aking pangakoat hindi magbabago,at tutuparin ko ang aking mga pangako:‘Lahat ng tao ay luluhod sa aking harapan,at mangangakong sila'y magiging tapat sa akin!’