Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 45:1-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ito ang ipinahayag ni Yahweh kay Ciro,ang pinunong kanyang pinili,upang sakupin ang mga bansaat alisan ng kapangyarihan ang mga hari.Ibubukas ko ang mga pintuang-lunsod para sa kanya habang siya'y pumapasok.

2. “Ako ang maghahanda ng iyong daraanan,mga bundok doo'y aking papatagin.At sa mga lunsod, mga pintong tanso'y aking wawasakin;pati kandadong bakal ay aking tatanggalin.

3. Ibibigay ko sa iyo ang nakatagong mga kayamanan at alahas;sa gayon, malalaman mong ako si Yahweh,ang Diyos ng Israel, ang siyang tumawag sa iyo.

4. Tinawag kita sa iyong pangalan,alang-alang sa aking lingkod na si Israel na aking hinirang.Binigyan kita ng malaking karangalan,kahit hindi mo ako nakikilala.

5. Ako si Yahweh, ako lamang ang Diyos at wala nang iba;palalakasin kita, kahit hindi mo ako nakikilala.