Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 41:7-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

7. Sinabi ng mga karpintero sa mga panday-ginto, ‘Magandang trabaho!’Hinangaan ng mga gumagawa ng rebulto ang mga nagkabit-kabit nito,at ang sabi, ‘Mahusay ang pagkahinang’;pagkatapos ay ipinako ang rebulto sa patungan nito.

8. “Ngunit ikaw, Israel, na aking lingkodlahi ni Abraham na aking kaibigan.Ikaw ang bayang aking hinirang.

9. Ikaw ay kinuha ko sa mga dulo ng daigdig;sa pinakamalalayong sulok nito,sinabi ko sa iyo noon, ‘Ikaw ay aking lingkod.’Pinili kita at hindi itinakwil.

10. Ako'y sasaiyo, huwag kang matakot,ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba.Palalakasin kita at tutulungan,iingatan at ililigtas.

11. “Lahat ng may galit sa iyoay mapapahiya,at mamamatay ang sinumang lumaban sa iyo.

12. Hahanapin ninyo sila ngunit hindi makikita,mawawala na sila ng lubusan dito sa lupa.

13. Ako si Yahweh na inyong Diyos,ang magpapalakas sa inyo.Ako ang nagsasabi, ‘Huwag kayong matakot at tutulungan ko kayo.’”