Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 41:17-25 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

17. “Kapag inabot ng matinding uhaw ang aking bayan,na halos matuyo ang kanilang lalamunan,akong si Yahweh ang gagawa ng paraan;akong Diyos ng Israel ay hindi magpapabaya.

18. Magkakaroon ng ilog sa tigang na burol,aagos ang masaganang tubig sa mga libis;gagawin kong lawa ang disyerto,may mga batis na bubukal sa tuyong lupain.

19. Ang mga disyerto'y pupunuin ko ng akasya't sedar,kahoy na olibo at saka ng mirto;kahoy na sipres, alerses at pino.

20. At kung magkagayon,makikita nila at mauunawaanna akong si Yahweh, ang Banal na Diyos ng Israel,ang gumawa at lumikha nito.”

21. Ganito ang sabi ni Yahweh, ang Hari ni Jacob:“Kayo ay lumapit, mga diyus-diyosan, ang panig ninyo ay ipaglaban.

22. Lumapit kayo at inyong hulaanang mga mangyayari sa kinabukasan.Ipaliwanag ninyo sa harap ng hukuman,upang pagtuunan ng aming isipan,ang mga pangyayari sa kahapong nagdaan.

23. Maniniwala kaming kayo nga ay diyoskapag ang hinaharap inyong mahulaan.Kayo'y magpakita ng anumang gawang mabuti, o kahit masama,nang kami'y masindak o kaya'y manghina.

24. Kayo at ang inyong gawa'y walang kabuluhan;ang sumasamba sa inyo ay kasuklam-suklam.

25. “Mayroon akong isang taong pinili mula sa silangan,at aking pinasasalakay mula sa hilaga.Parang lupang kanyang tatapakan ang mga hari,tulad ng pagmamasa sa putik na ginagawang palayok.