Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 41:14-21 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

14. Sinabi pa ni Yahweh,“Israel, mahina ka man at maliit,huwag kang matakot, sapagkat tutulungan kita.Ako ang iyong tagapagligtas, ang banal na Diyos ng Israel.

15. Gagawin kitang tulad ng panggiik,na may bago at matatalim na ngipin.Iyong gigiikin ang mga bundok at burol,at dudurugin hanggang maging alabok.

16. Ihahagis mo sila at tatangayin ng hangin;pagdating ng bagyo ay pakakalatin.Magdiriwang kayo sa pangalan ni Yahweh,at pararangalan ang Banal na Diyos ng Israel.

17. “Kapag inabot ng matinding uhaw ang aking bayan,na halos matuyo ang kanilang lalamunan,akong si Yahweh ang gagawa ng paraan;akong Diyos ng Israel ay hindi magpapabaya.

18. Magkakaroon ng ilog sa tigang na burol,aagos ang masaganang tubig sa mga libis;gagawin kong lawa ang disyerto,may mga batis na bubukal sa tuyong lupain.

19. Ang mga disyerto'y pupunuin ko ng akasya't sedar,kahoy na olibo at saka ng mirto;kahoy na sipres, alerses at pino.

20. At kung magkagayon,makikita nila at mauunawaanna akong si Yahweh, ang Banal na Diyos ng Israel,ang gumawa at lumikha nito.”

21. Ganito ang sabi ni Yahweh, ang Hari ni Jacob:“Kayo ay lumapit, mga diyus-diyosan, ang panig ninyo ay ipaglaban.