Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 37:19-31 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

19. Sinunog nila ang diyos ng mga ito, sapagkat ang diyos nila'y hindi tunay; mga bato at kahoy lamang na gawa ng mga tao.

20. Kaya iligtas mo kami Yahweh, O aming Diyos, sa kamay ni Senaquerib upang malaman ng lahat ng kaharian sa lupa na ikaw lamang, ang tunay na si Yahweh.”

21. Pagkatapos, tumanggap si Hezekias ng sulat mula kay Isaias na ganito ang sinasabi: “Dininig ni Yahweh, ang Diyos ng Israel ang dalangin mo laban kay Senaquerib,

22. at ito ang kanyang tugon:Kinamumuhian ka ng mga taga-Zion,Senaquerib, pinagtatawanan ka at kinukutya ng Jerusalem.

23. “Sino sa akala mo ang iyong iniinsulto at hinahamak?Nilapastangan mo ako,ang Banal na Diyos ng Israel!

24. Nilait mo ang Panginoon sa pamamagitan ng iyong mga lingkod,ang sabi mo: Sa dami ng aking karwahe,naakyat ko ang ituktok ng mga bundok,naabot ko rin ang kasuluk-sulukan ng Lebanon.Pinutol ko ang nagtataasang puno ng sedar,at ang mga piling puno ng sipres;naabot kong lahatang pinakamataas na lugar at pusod ng gubat.

25. Humukay ako ng maraming balon,at uminom ako ng tubig ng mga iyon.Ang mga ilog at batis sa Egipto,matapakan ko lamang ay agad natutuyo.

26. “Dapat mong malaman na noon pang unaang bagay na ito ay matagal ko nang binalak,at ngayo'y pawang natutupad.Itinakda kong ikaw ang magwawasakng matitibay na lunsod.

27. Mga mamamaya'y nawalan ng lakas,nanginig sa takot at napahiya.Sila'y tulad ng halaman sa gitna ng parang,mga murang daho'y nalanta sa araw;katulad ay damo sa bubong ng bahay,hindi pa pinuputol ay tuyo na sa tangkay.

28. “Lahat ng iyong gawin ay nalalaman ko,hindi lingid sa akin anumang balak mo.

29. Dahil sa galit mo't paglaban sa akinat paghahambog mong hindi nalilihim,kaya ang ilong mo'y kakawitin koat ang bibig mo'y lalagyan ng kandado,at ibabalik kita sa pinanggalingan mo.

30. “Ito ang magiging palatandaan ninyo: Sa taóng ito, ang kakainin ninyo'y bunga ng halamang dati nang nakatanim. Sa susunod na taon, ang kakainin ninyo'y ang ani sa tutubong supling ng halamang iyon. Ngunit sa ikatlong taon, magtatanim na kayo ng panibago, at ang kakainin ninyo'y ang ibubunga nito.

31. Ang mga nalabi sa Juda ay parang halamang muling mag-uugat at mamumunga,