Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 37:13-23 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

13. At nasaan ang hari ng Hamat, ng Arpad, ang hari ng lunsod ng Sefarvaim, ng Hena at ng Iva?”

14. Kinuha ni Hezekias ang sulat na dala ng mga sugo, at pagkatapos basahin ay pumasok sa Templo. Isinangguni niya ito kay Yahweh,

15. at siya'y nanalangin.

16. “O Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, Diyos ng Israel, lumikha ng langit at lupa. Ang inyong trono'y nasa ibabaw ng mga kerubin. Kayo lamang ang Diyos ng lahat ng kaharian sa lupa.

17. Masdan ninyo ang aming kalagayan, at lingapin ninyo kami. Narito ang liham ni Senaquerib na lumalapastangan sa inyo, ang buháy na Diyos.

18. Tunay nga, O Yahweh, na winasak ng mga hari ng Asiria ang lahat ng bansa.

19. Sinunog nila ang diyos ng mga ito, sapagkat ang diyos nila'y hindi tunay; mga bato at kahoy lamang na gawa ng mga tao.

20. Kaya iligtas mo kami Yahweh, O aming Diyos, sa kamay ni Senaquerib upang malaman ng lahat ng kaharian sa lupa na ikaw lamang, ang tunay na si Yahweh.”

21. Pagkatapos, tumanggap si Hezekias ng sulat mula kay Isaias na ganito ang sinasabi: “Dininig ni Yahweh, ang Diyos ng Israel ang dalangin mo laban kay Senaquerib,

22. at ito ang kanyang tugon:Kinamumuhian ka ng mga taga-Zion,Senaquerib, pinagtatawanan ka at kinukutya ng Jerusalem.

23. “Sino sa akala mo ang iyong iniinsulto at hinahamak?Nilapastangan mo ako,ang Banal na Diyos ng Israel!