Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 35:1-2 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Muling sasaya ang ulilang lupain na matagal nang tigang;mamumulaklak ang mga halaman sa disyerto.

2. Ang disyerto ay aawit sa tuwa,ito'y muling gaganda tulad ng mga Bundok ng Lebanonat mamumunga nang sagana tulad ng Carmel at Sharon.Mamamasdan ng lahat ang kaluwalhatianat kapangyarihan ni Yahweh.