Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 34:5-15 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

5. Si Yahweh ay naghanda ng espada sa kalangitanupang gamitin laban sa Edom,sa bayang hinatulan niyang parusahan.

6. Ang espada ni Yahweh ay puno ng dugo at taba;iyon ay dugo ng mga tupa at kambing,at taba ng lalaking tupa.Sapagkat siya'y maghahandog sa Bozra,marami siyang pupuksain sa Edom.

7. Sila'y mabubuwal na parang maiilap na toro at barakong kalabaw,matitigmak ng dugoat mapupuno ng taba ang buong lupain.

8. Sapagkat si Yahweh ay may nakatakdang araw ng paghihiganti,isang taon ng paghihiganti alang-alang sa Zion.

9. Ang mga batis ng Edom ay magiging alkitran,at magiging asupre ang kanyang lupa,ang buong bansa ay masusunog na parang aspalto.

10. Araw-gabi'y hindi ito mamamatay,at patuloy na papailanlang ang usok;habang panaho'y hindi ito mapapakinabangan,at wala nang daraan doon kahit kailan.

11. Ang mananahan dito'y mga kuwago at mga uwak.Ang lupaing ito'y lubusang wawasakin ni Yahweh,at iiwang nakatiwangwang magpakailanman.

12. Doo'y wala nang maghahariat mawawala na rin ang mga pinuno.

13. Tutubuan ng damo ang mga palasyoat ang mga napapaderang bayan,ito ay titirhan ng mga asong-gubatat pamumugaran ng mga ostrits.

14. Ang maiilap na hayop ay sasama sa mga asong-gubat,tatawagin ng mga tikbalang ang kapwa nila maligno;doon bababâ ang babaing halimaw upang magpahinga.

15. Ang mga kuwago, doon magpupugad,mangingitlog, mamimisâ at magpapalaki ng kanilang inakay.Doon din maninirahan ang mga grupo ng buwitre.