Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 34:11-17 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

11. Ang mananahan dito'y mga kuwago at mga uwak.Ang lupaing ito'y lubusang wawasakin ni Yahweh,at iiwang nakatiwangwang magpakailanman.

12. Doo'y wala nang maghahariat mawawala na rin ang mga pinuno.

13. Tutubuan ng damo ang mga palasyoat ang mga napapaderang bayan,ito ay titirhan ng mga asong-gubatat pamumugaran ng mga ostrits.

14. Ang maiilap na hayop ay sasama sa mga asong-gubat,tatawagin ng mga tikbalang ang kapwa nila maligno;doon bababâ ang babaing halimaw upang magpahinga.

15. Ang mga kuwago, doon magpupugad,mangingitlog, mamimisâ at magpapalaki ng kanilang inakay.Doon din maninirahan ang mga grupo ng buwitre.

16. Sa aklat ni Yahweh ay hanapin ninyo at basahin:“Isa man sa kanila'y hindi mawawala,bawat isa'y mayroong kapareha.”Sapagkat ito'y utos ni Yahweh,at siya mismo ang kukupkop sa kanila.

17. Siya na rin ang nagtakda ng kanilang titirhan,at nagbigay ng kani-kanilang lugar;doon na sila titira magpakailanman.