Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 32:9-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. Kayong mga babaing pabaya,pakinggan ninyo ang aking sasabihin.

10. Pagkalipas ng isang taonmabibigo na kayo,sapagkat wala na kayong mapipitas na bunga ng ubas.

11. Manginig kayo sapagkat matagal kayong nagpabayaat nagwalang bahala.Maghubad kayo ng inyong kasuotan,at magsuot ng damit-panluksa.

12. Dagukan ninyo ang inyong dibdib sa kalungkutansapagkat wasak na ang masaganang bukirin at ang mabunga ninyong ubasan.

13. Tinubuan na ito ng mga tinik at dawag.Tangisan ninyo ang dating masasayang tahanan,at lunsod na noo'y puno ng kagalakan.