Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 32:4-11 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. Magiging matiyaga na sila at maunawain sa bawat kilos,magiging matapat sila sa kanilang sasabihin.

5. Ang mga hangal ay hindi na tatawaging dakila;o kaya'y sasabihing tapat ang mga sinungaling.

6. Ang sinasabi ng mangmang ay puro kamangmangan,at puro kasamaan ang kanyang iniisip;paglapastangan kay Yahweh ang ginagawa niya't sinasabi.Minsan ma'y hindi siya nagpakain ng nagugutomo nagpainom ng nauuhaw.

7. Masama ang gawain ng taong hangal.Ipinapahamak nila ang mahihirap sa pamamagitan ng kasinungalingan,at gumagawa ng paraan upang hindi pakinabangan ang kanilang karapatan.

8. Ngunit ang taong marangal ay gumagawa ng tapat,at naninindigan sa kung ano ang tama.

9. Kayong mga babaing pabaya,pakinggan ninyo ang aking sasabihin.

10. Pagkalipas ng isang taonmabibigo na kayo,sapagkat wala na kayong mapipitas na bunga ng ubas.

11. Manginig kayo sapagkat matagal kayong nagpabayaat nagwalang bahala.Maghubad kayo ng inyong kasuotan,at magsuot ng damit-panluksa.