Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 32:12-20 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

12. Dagukan ninyo ang inyong dibdib sa kalungkutansapagkat wasak na ang masaganang bukirin at ang mabunga ninyong ubasan.

13. Tinubuan na ito ng mga tinik at dawag.Tangisan ninyo ang dating masasayang tahanan,at lunsod na noo'y puno ng kagalakan.

14. Pati ang palasyo ay pababayaanat ang pangunahing-lunsod ay mawawalan ng tao.Ang mga burol at tore ay guguho;ang lupain ay magiging tirahan ng maiilap na asnoat pastulan ng mga tupa.

15. Ngunit minsan pang ibubuhos sa atin ang espiritu ng Diyos.Ang disyerto ay magiging matabang lupaat ang bukirin ay pag-aanihan nang sagana.

16. Ang katarungan at katuwiranay maghahari sa buong lupain.

17. Ang bunga ng katuwiran ay kapayapaan;at ito'y magdudulot ng katahimikan at pagtitiwala magpakailanman.

18. Ang bayan ng Diyos ay mamumuhay sa isang payapa,ligtas, at tahimik na pamayanan.

19. Kahit pa umulan ng yelo sa kagubatanat mapatag ang kabundukan.

20. Magiging maligaya ang lahat dahil sa saganang tubig para sa mga pananimat malawak na pastulan ng mga baka at asno.