Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 32:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Makikita ninyo, may haring mamamahala nang matuwid,at mga pinunong magpapairal ng katarungan.

2. Sila'y magiging kanlungan sa malakas na hanginat pananggalang sa nagngangalit na bagyo;ang katulad nila'y batis sa tuyong lupain,parang malaking batong kublihan sa disyerto!

3. Mabubuksan ang kanilang mga mata at taingasa pangangailangan ng mga tao.

4. Magiging matiyaga na sila at maunawain sa bawat kilos,magiging matapat sila sa kanilang sasabihin.