Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 28:9-19 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. Ganito ang sinasabi nila laban sa akin:“Ano kaya ang palagay ng taong ito sa atin;sino bang nais niyang turuan at pagpaliwanagan?Ang sinabi niya'y para lamang sa mga batang musmosna nangangailangan pa ng gatas.

10. Sinong makikinig sa kanyang pamamaraan:Isa-isang letra, isa-isang linya,at isa-isang aralin!”

11. Kaya naman magsasalita si Yahweh sa bayang itosa pamamagitan ng mga dayuhan, siya'y magtuturo.

12. Ganito ang kanyang sasabihin:“Narito ang tunay na kapahingahan para sa mga napapagal,”ngunit hindi nila ito pinakinggan.

13. Kaya ganito ang pagtuturo ni Yahweh sa kanila:“Isa-isang letra, isa-isang linya,at isa-isang aralin;”at sa kanilang paglakad, sila'y mabubuwal,mahuhulog sa bitag, masasaktan at mabibihag.

14. Kaya't ngayon ay dinggin ninyo si Yahweh, kayong mga walang galang na pinuno,na namamahala sa Lunsod ng Jerusalem.

15. Sapagkat sinabi ninyo, “Nakipagkasundo na kami sa kamatayan,gayundin sa daigdig ng mga patay.Kaya hindi na kami mapapahamakdumating man ang malagim na sakuna;ginawa na naming kuta ang kasinungalingan,at pandaraya ang aming kanlungan.”

16. Ito ngayon ang sinasabi ng Panginoong Yahweh:“Naglalagay ako sa Zion ng batong-panulukan,subok, mahalaga, at matatag na pundasyon;‘Ang magtiwala rito'y hindi mapapahiya.’

17. Gagawin kong panukat ang katarungan,at pamantayan ang katuwiran;wawasakin ng bagyoat aanurin ng baha ang lahat ng silungan ng kasinungalingan.”

18. Ang pakikipagkasundo mo sa kamatayanat sa daigdig ng mga patay ay mawawalan ng bisa at masisira,at kapag dumating ang baha,lahat kayo'y matatangay.

19. Araw-araw, sa umaga't gabiang bahang ito'y daraan at kayo'y tatangayin;maghahasik ito ng sindak at takotupang maunawaan ang mensahe nito.