Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 28:16-29 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

16. Ito ngayon ang sinasabi ng Panginoong Yahweh:“Naglalagay ako sa Zion ng batong-panulukan,subok, mahalaga, at matatag na pundasyon;‘Ang magtiwala rito'y hindi mapapahiya.’

17. Gagawin kong panukat ang katarungan,at pamantayan ang katuwiran;wawasakin ng bagyoat aanurin ng baha ang lahat ng silungan ng kasinungalingan.”

18. Ang pakikipagkasundo mo sa kamatayanat sa daigdig ng mga patay ay mawawalan ng bisa at masisira,at kapag dumating ang baha,lahat kayo'y matatangay.

19. Araw-araw, sa umaga't gabiang bahang ito'y daraan at kayo'y tatangayin;maghahasik ito ng sindak at takotupang maunawaan ang mensahe nito.

20. Sapagkat mangyayari sa inyo ang isinasaad ng kasabihan:‘Maikli ang kamang inyong higaan,at makitid ang kumot para sa katawan.’

21. Sapagkat tulad ng ginawa sa Bundok ng Perazim,tatayo si Yahweh at ipadarama ang kanyang galit;tulad din ng ginawa niya sa Libis ng Gibeon,gagawin niya ang kanyang magustuhan kahit hindi siya maunawaan,at tanging siya lang ang nakakaalam.

22. Kaya huwag ka nang magyabang,baka ang gapos mo ay lalong higpitan.Sapagkat narinig ko na ang utos ni Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon,na wasakin ang buong lupain.

23. Itong aking tinig ay iyong dinggin,ang sinasabi ko'y iyong unawain.

24. Ang nagsasaka ba'y lagi na lamang pag-aararoat pagsusuyod ang gagawin sa kanyang bukid?

25. Hindi ba't kung maihanda na ang lupa,ito'y sinasabugan niya ng anis at linga?Hindi ba tinatamnan niya ito ng trigo't sebadaat sa mga gilid naman ay espelta?

26. Iyan ang tamang gawainna itinuro ng Diyos sa tao.

27. Ang anis at linga ay hindi ginagamitanng gulong o mabigat na panggiik.Banayad lamang itong nililiglig o pinapalo.

28. Dinudurog ba ang butil na ginagawang tinapay?Hindi ito ginigiik nang walang tigil,pinararaanan ito sa hinihilang karitonngunit hindi pinupulbos.

29. Ang mensaheng ito'y mula kay Yahweh na Makapangyarihan sa lahat,mahusay ang kanyang payoat kahanga-hanga ang kanyang karunungan.