Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 25:8-12 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

8. Lubusan nang pupuksain ng Panginoong Yahweh ang kamatayan,at papahirin ang mga luha sa kanilang mga mata.Aalisin niya sa kahihiyan ang kanyang bayan.

9. Sasabihin ng lahat sa araw na iyon:“Siya ang hinihintay nating Diyos na sa ati'y magliligtas,siya si Yahweh na ating inaasahan.Magalak tayo at magdiwang, sapagkat tayo'y kanyang iniligtas.”

10. Iingatan ni Yahweh ang Bundok ng Zion,ngunit ang Moab ay tatapakan;gaya ng dayaming tinatapak-tapakan sa tambakan ng basura.

11. Sisikapin ng mga taga-Moab na igalaw ang kanilang mga kamay na parang lumalangoy sa tubig.Ngunit sila'y bibiguin ng Diyos hanggang sa sila'y lumubog.

12. Ang matataas niyang pader ay iguguho ni Yahweh,at dudurugin hanggang maging alabok.