Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 25:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. O Yahweh, ikaw ang aking Diyos;pupurihin ko at dadakilain ang iyong pangalan;sapagkat kahanga-hanga ang iyong mga ginawa;buong katapatan mong isinagawaang iyong mga balak mula pa noong una.

2. Ang mga lunsod ay iyong iginuho,at winasak ang mga kuta;ibinagsak ninyo ang mga palasyo ng mga dayuhan,at ang mga iyon ay hindi na muling maitatayo.

3. Kaya dadakilain ka ng taong malalakas,at matatakot sa iyo ang malulupit na lunsod.

4. Ikaw ang tunay na kanlungan ng mahihirap,at mga nangangailangan,matatag na silungan sa panahon ng unosat nakakapasong init.Sa harap mo'y mabibigo ang mararahas,sila'y parang bagyong humahampas sa matibay na pader.