9. Mawawala na rin ang pag-iinuman ng alak sa saliw ng awitan,ang alak ay magiging mapait sa panlasa.
10. Magulo ang lunsod na winasak;ang pintuan ng bawat tahanan ay may harang upang walang makapasok.
11. Sa mga lansangan ay sumisigaw sila dahil kulang ng alak,nawala na ang kagalakan at nauwi sa kalungkutan;lahat ng kasayahan ay napawi sa lupa.
12. Naguho na ang buong lunsod,ang pinto nito'y nagkadurug-durog.
13. Ganyan din ang mangyayari sa lahat ng bansa sa buong daigdig;parang puno ng olibo matapos lagasin ang bunga,tulad ng ubasan matapos ang anihan.
14. Silang nakaligtas ay aawit dahil sa kagalakan,mula sa kanluran ay kanilang dadakilain si Yahweh.