5. Sinira na ang daigdig ng mga naninirahan ditodahil sinuway nila ang katuruan ng Diyos;at nilabag ang kanyang mga utos;winasak nila ang walang hanggang tipan.
6. Kaya susumpain ng Diyos ang daigdig,at magdurusa ang mga tao dahil sa kanilang kasamaan,mababawasan ang mga naninirahan sa lupa;kaunti lamang ang matitira sa kanila.
7. Mauubos ang alak,malalanta ang ubasan,ang mga nagsasaya'y daranas ng kalungkutan.
8. Ang masayang tugtog ng tamburin ay hindi na maririnig;titigil na ang ingay ng mga nagsasaya;mapaparam ang masayang tunog ng alpa!
9. Mawawala na rin ang pag-iinuman ng alak sa saliw ng awitan,ang alak ay magiging mapait sa panlasa.