Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 24:22-23 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

22. Tulad ng mga bilanggo,ihuhulog silang sama-sama sa isang malalim na balon;ikukulong sila sa piitang bakal,at paparusahan pagkaraan ng maraming araw.

23. Mawawala ang liwanag ng araw at buwan,at maghahari si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat,sa Bundok ng Zion, at sa Jerusalem.Doo'y mahahayag ang kanyang kaluwalhatian, sa harap ng mga pinuno ng bayan.