1. Ang daigdig ay wawasakin ni Yahweh,sasalantain niya ang mga lupain at pangangalatin ang mga tao.
2. Iisa ang sasapitin ng lahat—mamamayan at pari,alipin at panginoon;alila at may-ari ng bahay,nagtitinda't namimili,nangungutang at nagpapautang.
3. Mawawasak ang daigdig at wala nang papakinabangin dito;mangyayari ito sapagkat sinabi ni Yahweh.