Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 23:3-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. upang bilhin at ipagbili ang mga trigo ng Sihor,ang trigong inani sa kapatagan ng Nilo,at upang makipagkalakal sa lahat ng bansa.

4. Lunsod ng Sidon, mahiya ka naman!Isinusuka ka na ng karagatan, sapagkat ganito ang kanyang pahayag:“Kailanma'y hindi ako nagkaanak;wala akong pinalaking mga anak na lalaki at babae.”

5. Kapag umabot sa mga Egipcio ang pagkawasak ng Tiro,sila'y tiyak na magigimbal at mapapahiya.

6. Tumawid kayo sa Tarsis;manangis kayo mga nakatira sa dalampasigan!

7. Ito ba ang masaya at maingay na lunsod ng Tirona natatag noon pang unang panahon?Ito ba ang lunsod na nagsugo ng mga mamamayan sa ibayong dagatupang doo'y magtayo ng mga bayan?

8. Sinong nagbalak nitolaban sa maharlikang lunsod ng Tiro,na kinikilala ang mga dakilang mangangalakal,at pinaparangalan sa lahat ng bansa?

9. Si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ang nagplano nitoupang hamakin ang kanilang kataasanat hiyain ang mga taong dinadakila ng sanlibutan.

10. Kayong mangangalakal ng Tarsis,sakahin na ninyo ang inyong lupain na tulad ng Nilo,sapagkat wala nang gagambala sa inyo.

11. Ang parusa ni Yahweh ay abot hanggang sa ibayong dagatat ibinagsak ang mga kaharian;iniutos na niyang wasakin ang mga kuta sa Canaan.

12. Ang sabi ni Yahweh,“Lunsod ng Sidon, tapos na ang maliligayang araw mo!Kahit na pumunta ka sa Cyprus ay nanganganib ka pa rin.”

13. Masdan ninyo ang lupain ng mga taga-Babilonia,ang bayang ito ay hindi Asiria,at ang Tiro ay pinananahanan na ng mga ligaw na hayop.Pinaligiran siya ng mga tore at mga kuta,at winasak ang kanyang mga palasyo.