Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 23:10-16 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

10. Kayong mangangalakal ng Tarsis,sakahin na ninyo ang inyong lupain na tulad ng Nilo,sapagkat wala nang gagambala sa inyo.

11. Ang parusa ni Yahweh ay abot hanggang sa ibayong dagatat ibinagsak ang mga kaharian;iniutos na niyang wasakin ang mga kuta sa Canaan.

12. Ang sabi ni Yahweh,“Lunsod ng Sidon, tapos na ang maliligayang araw mo!Kahit na pumunta ka sa Cyprus ay nanganganib ka pa rin.”

13. Masdan ninyo ang lupain ng mga taga-Babilonia,ang bayang ito ay hindi Asiria,at ang Tiro ay pinananahanan na ng mga ligaw na hayop.Pinaligiran siya ng mga tore at mga kuta,at winasak ang kanyang mga palasyo.

14. Manangis kayo mga mangangalakal ng Tarsis,sapagkat wasak na ang inyong inaasahan.

15. Pitumpung taon na malilimot ang Tiro,sintagal ng buhay ng isang hari.Ngunit pagkatapos ng panahong iyon,siya'y muling babangon at matutulad sa babaing binabanggit sa awit na ito:

16. “Tugtugin mo ang iyong alpa,babaing haliparot,libutin mo ang lunsod;galingan mo ang pagtugtog sa alpa,umawit ka ng maraming awitinupang ikaw ay muling balikan.”