Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 23:1-8 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ito ang pahayag tungkol sa Tiro:Manangis kayo, mga mangangalakal sa Tarsis,sapagkat ang Tiro na inyong daungan ay wasak na;wala na kayong mga tahanang matitirhan!Ito'y inihayag na sa inyo mula sa lupain ng Cyprus.

2. Tumahimik kayo, mga nakatira sa dalampasigan;kayong mga mangangalakal ng Sidon,nagpadala kayo ng inyong mga mensahero sa ibayong dagat,

3. upang bilhin at ipagbili ang mga trigo ng Sihor,ang trigong inani sa kapatagan ng Nilo,at upang makipagkalakal sa lahat ng bansa.

4. Lunsod ng Sidon, mahiya ka naman!Isinusuka ka na ng karagatan, sapagkat ganito ang kanyang pahayag:“Kailanma'y hindi ako nagkaanak;wala akong pinalaking mga anak na lalaki at babae.”

5. Kapag umabot sa mga Egipcio ang pagkawasak ng Tiro,sila'y tiyak na magigimbal at mapapahiya.

6. Tumawid kayo sa Tarsis;manangis kayo mga nakatira sa dalampasigan!

7. Ito ba ang masaya at maingay na lunsod ng Tirona natatag noon pang unang panahon?Ito ba ang lunsod na nagsugo ng mga mamamayan sa ibayong dagatupang doo'y magtayo ng mga bayan?

8. Sinong nagbalak nitolaban sa maharlikang lunsod ng Tiro,na kinikilala ang mga dakilang mangangalakal,at pinaparangalan sa lahat ng bansa?