Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 19:5-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

5. Bababaw ang tubig sa Ilog Nilo,at unti-unting matutuyo.

6. Babaho ang mga kanal,ang Ilog Nilo ng Egipto ay mauubusan ng tubig,at matutuyo rin ang mga tambo at mga talahib.

7. Malalanta ang mga halaman sa pampang ng Nilo,itataboy ng hangin, at hindi na muling makikita.

8. Magluluksa ang mga mangingisda,at mananaghoy ang lahat ng namimingwit,ang mga naghahagis naman ng lambat ay manlulupaypay.

9. Manghihina ang loob ng mga gumagawa ng kasuotang linen;

10. manlulupaypay ang mga humahabi ng tela,at mawawalan ng pag-asa ang mga manggagawa.

11. Hangal kayong lahat, mga pinuno ng Zoan!Kayong matatalinong tagapayo ng Faraon, pawang walang saysay ang inyong ipinapayo.Paano ninyo masasabi sa Faraon:“Ako'y mula sa lahi ng mga matatalinoat ang mga ninuno ko'y hari noong unang panahon?”

12. Nasaan, Faraon, ang iyong mga matatalino?Bakit hindi nila sabihin sa iyo ngayonang plano ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat laban sa Egipto?

13. Hangal ang mga pinuno ng Zoan,at baliw ang mga pinuno ng Memfis;iniligaw nila ang Egipto tungo sa kapahamakan.