Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 19:4-11 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. Ibibigay ko ang Egipto sa kamay ng isang malupit na panginoon;isang mabagsik na hari ang sasakop sa kanila.”Ito ang sabi ni Yahweh na Makapangyarihang Panginoon.

5. Bababaw ang tubig sa Ilog Nilo,at unti-unting matutuyo.

6. Babaho ang mga kanal,ang Ilog Nilo ng Egipto ay mauubusan ng tubig,at matutuyo rin ang mga tambo at mga talahib.

7. Malalanta ang mga halaman sa pampang ng Nilo,itataboy ng hangin, at hindi na muling makikita.

8. Magluluksa ang mga mangingisda,at mananaghoy ang lahat ng namimingwit,ang mga naghahagis naman ng lambat ay manlulupaypay.

9. Manghihina ang loob ng mga gumagawa ng kasuotang linen;

10. manlulupaypay ang mga humahabi ng tela,at mawawalan ng pag-asa ang mga manggagawa.

11. Hangal kayong lahat, mga pinuno ng Zoan!Kayong matatalinong tagapayo ng Faraon, pawang walang saysay ang inyong ipinapayo.Paano ninyo masasabi sa Faraon:“Ako'y mula sa lahi ng mga matatalinoat ang mga ninuno ko'y hari noong unang panahon?”