Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 17:7-14 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

7. Sa araw na iyon lalapit ang mga tao sa Lumikha sa kanila, sa Banal na Diyos ng Israel.

8. Hindi na nila papansinin ang mga altar na sila na rin ang gumawa. Hindi na sila magtitiwala sa mga diyus-diyosang Ashera o sa mga altar na sunugan ng insenso na inanyuan ng kanilang mga kamay.

9. Sa araw na iyon, iiwan ng mga tao ang iyong mga lunsod. Tulad ng nangyari sa mga lunsod ng mga Hivita at Amoreo noong dumating ang mga Israelita.

10. Kinalimutan ninyo ang Diyos na nagligtas sa inyo,at hindi na ninyo naaalaala ang Bato na inyong kanlungan,sa halip, gumawa kayo ng mga sagradong hardinna itinalaga ninyo sa isang diyus-diyosan,sa paniniwalang pagpapalain niya kayo.

11. Ngunit kahit tumubo man ang mga halamanat mamulaklak sa araw na inyong itinanim,wala kang aanihin pagdating ng arawkundi pawang sakuna at walang katapusang kahirapan.

12. Ang ingay ng napakaraming taoay parang ugong ng karagatan.Rumaragasa ang mga bansana parang hampas ng mga alon.

13. Nagkakaingay ang mga bansa na tulad ng daluyong ng tubig,ngunit pinigil sila ng Diyos, at sila'y tumakas,parang alikabok na inililipad ng hangin sa ibabaw ng burolat dayaming tinatangay ng ipu-ipo.

14. Sa gabi'y magsasabog sila ng sindakngunit pagsapit ng umaga'y wala na sila.Ganyan ang mangyayari sa mga umaapi sa atin,iyan ang sasapitin ng mga nagnakaw ng ating mga ari-arian.