Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 17:3-12 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. Mawawasak ang mga tanggulan ng Efraim,babagsak ang kaharian ng Damasco.Matutulad sa sinapit ng Israel ang kapalarang sasapitin ng malalabi sa Siria.”Ito ang sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.

4. “Sa araw na iyonmaglalaho ang kaningningan ng Israel,ang kanyang kayamanan ay mapapalitan ng kahirapan.

5. Matutulad siya sa isang triguhanmatapos gapasin ng mga mag-aani.Matutuyot siyang gaya ng bukirin sa Refaimmatapos simuting lahat ng mga mamumulot.

6. Ilang tao lamang ang matitira sa lahi ng Israel,matutulad siya sa puno ng olibo na pinitas ang lahat ng mga bunga,at walang natira kundi dalawa o tatlong bungasa pinakamataas na sanga,apat o limang bungasa mga sangang dati'y maraming magbunga.”Ito ang sabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.

7. Sa araw na iyon lalapit ang mga tao sa Lumikha sa kanila, sa Banal na Diyos ng Israel.

8. Hindi na nila papansinin ang mga altar na sila na rin ang gumawa. Hindi na sila magtitiwala sa mga diyus-diyosang Ashera o sa mga altar na sunugan ng insenso na inanyuan ng kanilang mga kamay.

9. Sa araw na iyon, iiwan ng mga tao ang iyong mga lunsod. Tulad ng nangyari sa mga lunsod ng mga Hivita at Amoreo noong dumating ang mga Israelita.

10. Kinalimutan ninyo ang Diyos na nagligtas sa inyo,at hindi na ninyo naaalaala ang Bato na inyong kanlungan,sa halip, gumawa kayo ng mga sagradong hardinna itinalaga ninyo sa isang diyus-diyosan,sa paniniwalang pagpapalain niya kayo.

11. Ngunit kahit tumubo man ang mga halamanat mamulaklak sa araw na inyong itinanim,wala kang aanihin pagdating ng arawkundi pawang sakuna at walang katapusang kahirapan.

12. Ang ingay ng napakaraming taoay parang ugong ng karagatan.Rumaragasa ang mga bansana parang hampas ng mga alon.