Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 14:4-14 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. hahamakin ninyo nang ganito ang hari ng Babilonia:“Bumagsak na ang malupit na hari!Hindi na siya makapang-aaping muli.

5. Winakasan na ni Yahweh ang kapangyarihan ng masama,ang tagapamahala,

6. na walang awang nagpahirap sa mga tao,buong lupit na naghari sa mga bansang kanilang sinakop.

7. Natahimik din sa wakas ang buong lupa,at ang mga tao'y nag-aawitan sa tuwa.

8. Tuwang-tuwa ang mga sipresat ang mga sedar ng Lebanon dahil sa nangyari sa hari.Sinasabi nila: ‘Ngayong ikaw ay wala na,wala na ring puputol sa amin.’

9. Ang daigdig ng mga patay ay abala sa iyong pagdating;ito'y naghahanda upang ikaw ay salubungin;ginising niya ang mga kaluluwa upang batiin ka,ng mga dating makapangyarihan sa daigdig.Pinatayo niya mula sa kanilang tronoang hari ng mga bansa.

10. Lahat sila ay magsasabi sa iyo:‘Ikaw pala'y naging mahina ring tulad namin!At sinapit mo rin ang aming sinapit!’

11. Noo'y pinaparangalan ka ng tugtog ng alpa,ngayo'y narito ka na sa daigdig ng mga patay.Uod ang iyong hinihiganat uod rin ang iyong kinukumot.”

12. “O Maningning na Bituin sa umaga,anak ng Bukang-liwayway!Bumagsak ka rin sa lupa, at nahulog mula sa langit.Ikaw na nagpasuko sa mga bansa!

13. Hindi ba't sinabi mo sa iyong sarili?‘Aakyat ako sa langit;at sa ibabaw ng mga bituin ng Diyos,ilalagay ko ang aking trono.Uupo ako sa ibabaw ng bundokna tagpuan ng mga diyos sa malayong hilaga.

14. Aakyat ako sa ibabaw ng mga ulap,papantayan ko ang Kataas-taasan.’